World War Z (2013)
Film by Max Brooks
Ang World War Z ay isang 2013 American apocalyptic action horror film na pinangunahan ni Marc Forster, na may isang screenplay kasama sina Matthew Michael Carnahan, Drew Goddard, at Damon Lindelof, mula sa isang screen story nina Carnahan at J. Michael Straczynski, batay sa 2006 nobela ng parehong pangalan ni Max Brooks. Ang mga bituin ng pelikula na si Brad Pitt bilang Gerry Lane, isang dating investigator ng United Nations na dapat maglakbay sa mundo upang makahanap ng isang paraan upang matigil ang isang zombie outbreak.

Sa pelikulang ito, tila’y naka pokus lang ito sa mga hindi kapani-paniwalang mga eksena na sila naman nakaka intrigo kapag napanood. Sa pag umpisa sa zombie outbreak maiisip agad natin na kailangan kumilos ng mga tauhan upang mabuhay sa gitna ng isang nakakamatay na mga kaganapan. Ito’y isang mahusay na pagkaderekto na pelikula kaya ako naganahan sa pagtalakay nito. Hindi lang pala ito tungkol sa pagbura ng zombie virus kung hindi gaano tayo kalikhain sa paggawa ng mga paraan upang maisalba ating mga mahal sa buhay.
Sa pelikulang ito, sumisumbulo ang mga zombies bilang problema natin, partikular sa lipunan tulad ng pagiging masamang impluwensya sa iba, sa isang eksena kung saan ipinakita ang malalaking pader ng Jerusalem nag sisimbulo ang Jerusalem bilang utak natin at ang pader nito bilang hangganan, kapag tayo ay magiging bukas sa mga toxic na mga problema tayo ay makakadanas ng pareho na resulta kung saan na nahawaan ang jerusalem ng zombie virus dahil sa nagawang pag ingay nito na naka akit sa mga zombies.